Angono Binangonan Petroglyphs

Angono-Binangonan Petroglyphs. Isang pasimula sa kasiningan ng Angono, ang pamanang pangkultura na ito ay nagsimula noong circa 3000 BCE at ito ang pinakasinaunang Filipino, o mas angkop, prehistoric Filipino work of art.

Ang ex-istence ng mga ukit na bato ay iniulat sa Pambansang Museo ng yumaong Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal, si Carlos "Botong" Francisco.

Noong 1973, sa bisa ng Presidential Decree No. 260, ito ay idineklara bilang isang pambansang kayamanan ng kultura ng gobyerno ng Pilipinas.

Sa panahong iyon, ang archeological team ng National Museum ay naglalayong paunlarin at pangalagaan ang lugar. May 127 na bilang ng human figures ang naitala.

Ang site ay nakalista din bilang UNESCO World Heritage site ng Pilipinas.

Makikita sa larawan ang kuwebang papasok sa Angono Binangonan Petroglyphs.